Mga munting kaalaman tungkol sa Mesopotamia
Ang Mesopotamia ay ang sinasabing "First Cradle of Civilization" dahil dito nagsimula ang pag-usbong ng mga tao. Tinatawag ang Mesopotamia na "Land Between Two Rivers", dahil pinapaligiran nito ng dalawang malalaking ilog naTigris at Euphrates. Ang klima sa Mesopotamia ay maiinit, ngunit madalas bumabaha dito dahil sa pag-"overflow" ng tubig sa dalawang ilog.
Ang Mesopotamia ay isang lugar na may malaki at magandang lupa, kaya maraming imperyo ang naitatayo dito. Nahahati ang mga imperyong ito sa tatlo: ang mga sinaunang imperyo ng Mesopotamia, ang mga kalapit na kabihasnan ng Mesopotamia, at ang mga dayuhang imperyo ng Mesopotamia.
Sinaunang Imperyo ng Mesopotamia
1) Akkadian
- sinimulan ni Sargon I
- magkahiwalay na estado at relihiyon
- organisadong sistema ng kalakalan
- walang natural na depensa
2) Babylonian
- pinakakilalang lider ay si Hammurhabi, na gumawa ng sobrang kilalang batas na tinatawag na Code of Hammurhabi
- unang nasakop ng mga Amorites
- nang namatay si Hammurhabi, nasakop ng mga Hittites
3) Assyrian - pinuno ay si Haring Ashrunarsipal II
- grupong etniko sa hilagang Mesopotamia
- gumagamit ng mga mercenary
- napabagsak ng Nineveh
4) Chaldean - pinamumunuan ni Nebuchadnezzar - itinayo ulit ang Babylonia, kung saan nagtayo siya ng Hanging Gardens of Babylon
Mga Kalapit na Kabihasnan sa Mesopotamia1) Armean - nagmula sa Palestine-Syria
- kilala dahil sa wikang Aramaic
2) Lydian - nagmula sa Hilagang Anatolia, na ngayon ay tinatawag na Turkey
- nagsimula sa paggamit ng barya sa pakikipagkalakalan
3) Phoenician - nagmula sa Phoenicia, na ngayon ay tinatawag na Lebanon
- kilala sa kanilang kontribusyon na alpabeto
- kilala sa paggawa ng mga bagay yari sa clear glass
4) Hebrew
- nagmula sa Palestine
- nakilala dahil sa Monotheism
- kilala bilang "Chosen People of God" - nagpasimula ng Judaism
5) Hittites
- nagmula sa hilagang-silangan ng Black Sea, lumipat sa Hilagang Anatolia (Turkey) - nakilala dahil sa paggamit ng iron ore
Dayuhang Imperyo sa Mesopotamia1) Persian - matatagpuan sa talampas ng Persia, na ngayon ay tinatawag na Iran
- maraming mga kilalang lider, kagaya nina Cyrus the Great, Darius the Great at Xerxes